HOW TO CHOOSE THE RIGHT MLM COMPANY…

Kung nagpaplano kang magkaroon ng "second source of income" to have an additional earning, one of the best choice  na pwede mong gawin at isabay sa work mo kung isa kang empleyado or OFW ay ang NETWORKING.

Marami sa mga nakakausap ko ang nagtatanong kung alin sa mga existing MLM COMPANY  sa ngayon ang pwede nilang salihan. Sa dinami dami daw kasi ng mga MLM company ngayon ay parang ang hirap makapili at magdesisyon.
So here it is mga kaibigan. Sana po ay makatulong sa inyo ang mga impormasyon sa baba para makapag decide kayo at makapili ng tamang MLM COMPANY.


Sa kasalukuyan parami na naman ng parami ang mga bagong nagsulputang mga MLM or NETWORKING COMPANY at kung bago ka pa lang sa larangan ng NETWORKING maaaring nalilito ka kung alin ba sa mga ito ang gusto mong salihan dahil sa kabi-kabilang offer sayo kundi man ng mga kaibigan, kamag-anak ay mga personal mong kakilala. Huwag ng isama pa ang mga nagta-tag sayo sa FACEBOOK about their MLM or NETWORKING COMPANY.

Ilan sa mga pangunahing dahilan kung baket parang mga kabuteng nagsulputan na naman hindi lang sa PILIPINAS kundi maging sa iba pang mga bansa ang mga bagong MLM or NETWORKING COMPANY ay ang pagdami ng mga taong naghahanap ng mga alternatibong pagkakakitaan or additional income due to economic downturn. 
Isa pang posibleng dahilan ay ang pagtaas ng bilang ng mga taong malapit ng mag retire during the past few years. Marami sa kanila ay naghahanap ng paraan kung papano masu-sustain ang kanilang mga retirement funds.

So, maaaring sa dami na nga ng mga ipinakita sayo o nakita mong mga home-based business opportunity or part-time business opportunity na ino-offer sayo ay unti-unti ka na ring nagkakainteres. 
TAMA?
Ngunit nahihirapan kang magdesisyon kung alin ba sa mga MLM company na nakita o ipinakita sayo ang pipiliin mo. Well, bibigyan kita ng ilang mga tips o guidelines para matulungan kang makapag decide.

Honestly, ang MLM or NETWOR MARKETING INDUSTRY ang isa sa mga business model na may pinakamaraming nagawang milyonaryo sa buong mundo at possible rin na mapasama ka sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga self-made millionaire kung magagawa mong pumili ng tamang MLM COMPANY.


Alin sa mga  MLM COMPANY out of all MLM Companies ang dapat mong piliin?

5 FACTORS na dapat isaalang-alang sa pagpili ng MLM Company:

• STABILIY- Mahalagang alamin mo kung gaano na katagal ang MLM company na gusto mong salihan at kung gaano ito kabilis lumago at kung patuloy ba itong lumalago hanggang sa kasalukuyan.

• NATURE and VALUE OF THE PRODUCTS and SERVICES which are being offered by the MLM company- Sa ibang pagkakataon,isang magandang ideya kung personal mong masusubukan ang mga produkto na mayroon ang kumpanya na gusto mong salihan upang mapatunayan mo mismo sa sarili mo kung ang mga ito ba ay kapaki-pakinabang o epektibo sa iyo upang sa gayon ay tiwala kang ibahagi rin ito sa iba. Mahalaga ring isaalang-alang na ang produkto ng kumpanyang nais mong salihan ay mga produktong nauubos o consumables at maaaring bilhin ng paulit-ulit ng mga consumers. Mga produktong may tinatawag na "repeat order".

• COMPENSATION PLAN- O ang tinatawag na kitaan. Mahalagang alamin mo kung anu-ano ang mga paraan ng kitaan ang ibinibigay ng kumpanyang sasalihan mo. Sa bagay na ito madalas nagkakaiba-iba ang bawat kumpanya. So, it's really up to you na alamin kung sino ang pinaka galante pagdating sa pagbibigay ng commissions. Mahalaga rin na malaman mo kung patas ba ang bigayan ng commissions sa pagitan ng mga bago o lumang miyembro.
The best din at isang malaking advantage kung ang kumpanyang sasalihan mo ay arawan kung magbayad ng commissions  or yung may "DAILY PAY OUT PROGRAM" at pwede mong i-widraw ang commissions mo kahit nasaang bansa ka man  ka man naroroon. 


• INTEGRITY OF THE COMPANY- Mahalaga ring alamin mo kung gaano ka eksperiyensado ang CEO o ang mga bumubuo ng kumpanya. Kung siya/sila ba ay mga dalubhasa at may sapat na kaalaman sa larangan ng NETWORKING o siya/sila ba ay matagumpay na mga NETWORK MARKETER sa mga previous company na kanilang sinalihan or sa kaparehong larangan o industriya.

• SUPPORT and TRAINING- ito ang panghuli at pinaka importanteng dapat mong malaman sa kumpanya at sa team na sasalihan mo. 

Ang mga factors na nabanggit sa itaas ay napaka importante para makagawa ka na ng desisyon. Sa aking karanasan, kung ang isang kumpanya ay patuloy na lumalago at dumarami ang mga miyembro isa itong indikasyon na ang kitaan o compensation plan ay patas at maganda at hindi rin naman ito tatagal kung hindi maganda ang compensation plan.Naniniwala rin ako na ang SUPPORT and TRAINING ang pinaka importante sapagkat dito nakasalalay ang ikatatagumpay mo sa larangan ng MLM.

So, ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng MLM company.

Enjoy NETWORKING!

Happy changing lives!

https://www.facebook.com/dee.wy.98

No comments: