Never depend on a single income...

"Never depend on a single income. Make investment to create a second source."

This is a very good advice from Warren Buffet.
Tumpak na tumpak ito sa mga empleyado  at lalong lalo na sa ating mga OFW sapagkat hindi naman tayo pwedeng magtrabaho habam-buhay.. Time is not  on our side dahil tumatanda tayo at lumiliit ang chance nating makapag abroad dahil sa pagtaas ng edad.

Kung naliliitan ka sa sahod mo ngayon, wag ka ng magreklamo ng magreklamo dahil kahit magpagulong-gulong ka pa ay hindi na po magbabago yan.
Ang paglaki ng sweldo mo ay hindi mo kontrolado sapagkat hindi naman ikaw ang may-ari ng negosyo o kumpanya na pinapasukan mo.
Pero ang magdagdag ka ng pagkakakitaan habang may trabaho ka ay pwedeng pwede mong gawin at walang pipigil sa'yo.
Kung gusto mong kumita ng malaki at makaipon ng mabilis, dapat mong matutunan kung papano ka magkakaron ng "second source of income."

Bilang isang empleyado o OFW ay may advantage ka...totoo!
Baket?
Mapalad ka kung may trabaho ka sa kasalukuyan sapagkat madali kang makakapag-provide ng perang pampuhunan sa panibagong source of income na pwede mong isabay sa trabahong meron ka.
Isa sa mga pinakamagandang gawing negosyo at madaling simulan ay ang NETWORKING BUSINESS.
Maaari mo siyang simulan as part time business, kung kayat hindi mo kinakailangang iwanan ang iyong kasalukuyang trabaho.
Gagamitin mo lang ang mga "spare time" mo para pag-aralan at gawin ang negosyo.
Hindi po ako naniniwala sa madalas na katwiran ng iba na "wala daw silang time". Sobrang busy daw nila sa trabaho. 

Panahon na para marealize mo na habang sinisipag kang mag overtime ng mag overtime sa trabaho mo ay patuloy mong pinapayaman ang boss mo at unti-unti namang bumabagsak ang kalusugan mo. Kelan ka pa maglalaan ng panahon para yung sarili mo naman ang payamanin mo at bigyan ng katuparan ang mga pangarap mo? Kung kelan matanda ka na?
Panahon na para matutunan mo "how to work smart."

It's all a matter of time management.
Kung kaya ng iba na makapaglaan ng oras para sa part time business nila....TIYAK MAGAGAWAN MO RIN NG PARAAN KUNG GUGUSTUHIN mo lang.
Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Ganon lang po kasimple yon.

Wag mong pangaraping habambuhay ka na lang sa kinalalagyan mo ngayon.
Wala pong yumayaman o umaasenso sa pagiging isang ordinaryong empleyado lang. (remember the CASH FLOW QUADRANT)
Kung meron man ay mabibilang lang at ang bottom line pa rin ay dahil alam nila at natutunan nila kung papano palaguin ang perang kinikita nila.

Ang susi sa pag-asenso ay nasa pagnenegosyo.
Maging bukas ka sa mga opurtunidad na ipinapakita sayo...Suriin mo, alamin mo at huwag puro pagdududa ang iyong gawin. Sa panahon po natin ngayon na kung saan ay napakadaling malaman ang patungkol sa isang bagay gamit ang internet...hindi ka na dapat nagpapaniwala pa sa mga sabi-sabi...do your job, Mag research ka! para ikaw mismo sa sarili mo ang makapagpatunay.

Project your life 5 years from now and then ask yourself, ganito pa rin ba ang buhay na gusto ko limang taon mula ngayon?
Kung ang sagot mo po ay hindi, then panahon na para gumawa ka ng bago tungo sa pagbabago.

Happy changing lives!

https://www.facebook.com/dee.wy.98

No comments: