"FEAR OF REJECTION"




Another fear na commonly encountered by NETWORKERS ay ang "fear of rejection."
Marami sa mga baguhang Networker ang madaling bumibigay at nagku-quit after having a few couple of rejections dahil sa hindi pa nila alam kung papano i-handle ang kanilang emosyon at maari ring wala pa silang "proper mindset or some call it mental attitude."
Again sa Networking business normal lang na mareject ka not only once, twice or thrice but a hundred or more times at dapat mong maunawaan yon.
Since this is a people's business, marami ka talagang kakausaping tao dito para i-offer ang good opportunity na nakita mo. Unfortunately, hindi po lahat ng taong makakausap mo dito ay open minded na kagaya mo na madaling nakita ang benefits, advantages at ang possibilities na mabago ang sitwasyon nila sa buhay, umasenso at magkaron ng katuparan ang kanilang mga pangarap. 
Kailangan mong maunawaan yon and "you have to master how to control your emotion." Masakit talaga siya emotionally lalo na kung ang mga taong kinausap mo at inalok mo ng opportunity mo ay yung mga taong inaakala mong unang-unang susuporta at maniniwala sa'yo.
More often sila pa nga ang mga unang taong aayaw at hindi maniniwala sayo subalit di dapat maging dahilan yon para mag quit ka sa business mo dahil ikaw ang nakakita at nakaunawa ng mga pwedeng mangyari at magbago sa buhay mo kapag ginawa mo ang business.
Masasaktan ka talaga emotionally kapag ganon, pero para lang siyang "kalyo" na sa una lang masakit dahil pag nagtagal ay masasanay ka rin at dahil sanay ka na, wala ka nang mararamdaman kalaunan dahil manhid ka na.
Huwag kang titigil at aralin mo pa mabuti ang NETWORK MARKETING.
Keep learning new things. 
Successful people are life long learners.

HAVE A POSTIVE MENTAL ATTITUDE or PROPER MINDSET

1. Dapat mo maunawaan na hindi naman ikaw ang nire-reject ng mga taong nagsasabi ng 'NO' sa'yo. It's the opportunity, so hindi ka dapat magtanim ng sama ng loob sa kanila. Remain close and friend with them 'coz one day magugulat ka na lang...sila na ang lalapit at magtatanong sayo about your business and the good news is willing na sila to join and to  invest.
Time will come  na magiging open minded din sila...you just never know when.

2. Pag-aralan mo kung paano mag "SORT" ng prospects so that instead of you getting rejected ay ikaw ang mang re-reject sa mga taong hindi karapat dapat na makasama  sa BUSINESS mo.
TOTOO!
Hindi po lahat ng  prospects mo ay  pwede mong maging business partners.
Ang dapat na hinahanap mo dito at pinapa join sa business ay yung mga taong kagaya mo ang mentality at mga 'OPEN MINDED na tao.
Mga taong may mataas na pangarap sa buhay at gusto ng pagbabago na willing gawin ang lahat ng paraan bastat legal, moral at ethical para umasenso.

SW3N

Some will join you
some won't
so what?
NEXT...

Ganon lang po dapat...Huwag ka magpadala sa emosyon mo and don't take it personal. Lagi mong iisipin na negosyo lang at walang personalan.

"Without struggle there is no progress." 
Enjoy your journey to success and enjoy learning new things.

Here's a video about how to HANDLE REJECTION...
https://www.youtube.com/watch?v=khv-vJKxJS4