Legit business opportunity ba ang inaalok sa'yo or isang SCAM?



Almost a week ago pumutok na naman sa balita ang tungkol sa panibago na namang SCAM na kumalat sa ating bansa sa PILIPINAS at nakalulungkot lang isipin na napakarami na namang kababayan nating PILIPINO ang naisahan at natangayan ng malalaking halaga ng pera na mula pa sa kanilang mga pinaghirapan, ipon at yung iba ay nagsanla o nagbenta pa nga ng mga ari-arian.

Sa panahon natin ngayon na kung tawagin ay INFORMATION AGE, ang lahat ng gusto nating malaman patungkol sa kahit na anong bagay ay mabilis, madali at libre nating malalaman sa tulong ng INTERNET.
Nakalulungkot lang isipin na marami pa ring mga kababayan natin ang naiisahan ng mga SCAM na ito.
Hindi po naman natin masisisi ang mga taong nabibiktima ng ganitong mga pangyayari dahil sadyang mapanukso ang mga binibitawang salita ng mga SCAMMER.

Halos lahat tayo ay nangangarap ng magandang buhay, ng pag-asenso…ng pagyaman! Kung kaya’t ang iba ay nadadala sa matamis na pananalita ng mga Scammer.
Isipin mo nga naman mag-iinvest ka lang kuno ng pera sa kanila and after a few days or weeks ay tutubo at kikita ng kalahati kundi man ay madodoble kuno ang perang ininvest mo ng wala kang kailangang gawin. Sounds very interesting and very tempting talaga di po ba? But at the same time din eh “too good to be true” para sa mga taong mapanuri.
The more na malaki ang investment mo, the more na malaki rin ang kikitain mo kuno.
And then one day mawawala na lang silang parang bula tangay ang mga perang kanilang nakolekta galing sa mga taong napaniwala nila.
Tsk! Tsk! Tsk! SCAM!!!

Paano mo ba malalaman kung ang iniaalok sa’yo ng kaibigan, kakilala or kamag-anak mo ay isang lehitimong NETWORK MARKETING / MLM business opportunity or isang SCAM???

May ilang bagay kang dapat alamin at kumpirmahin para malaman mo kung legal o hindi ang iniaalok na opportunity sa’yo.

Ø  Dapat mong alamin kung ang kumpanya o negosyong inaalok sa’yo ay accredited ba ng ilang pangunahing ahensya ng ating gobyerno kagaya ng Bureau of Internal Revenue(BIR), Securities and Exchange Commission(SEC) at ng Direct Selling Association of the Phillipppinnes(DSAP) kung ito ay isang MLM business.
Ø  Mayroon ba silang sariling credible na gusali or opisina na pwede mong puntahan in case of inquiry or any business transactions.
Ø  RA 5601 ANTI-PYRAMIDING LAW:::
According to Securities and Exchange Commission-SEC upang hindi maging SCAM ang isang Multi Level Marketing transaction 73% pataas dapat ng ipinuhunan mo ay bumalik sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo.
Ø  Sa isang legit NETWORKING/MLM Business ay kikita ka either thru sponsoring people into your business or thru selling the products na minamarket ng company.
Ø  NETWORK MARKETING IS NOT A GET RICH QUICK SCHEME at lalong hindi rin po ito business guarantee na kikita ka na lang basta kahit wala kang gawin.
Because your income is directly proportional to your effort/actions. Nakadepende ang kita mo sa kung gaano ka kasipag, ka-committed and dedicated na gawin ang negosyo.

Para maiwasan ang ma-SCAM…tandaan lamang  po ang mga palatandaan na yan at mas makabubuti kung lalawakan mo pa ang iyong research about the opportunity na ino-offer sa’yo.


SCAM yan kapag:

Ø  Sinabi sa’yo na magbitaw ka lang ng pera o puhunan ay kikita ka na. Mas malaking puhunan ay mas malaking kikitain mo.
Kapag ganito ang narinig mo sa kausap mo…tumakbo ka na J. It is very much likely possible na mai-SCAM ka.
Ø  Walang kapalit na produkto ang investment mo at ang sasabihin sa’yo ay kailangan mo lang magrecruit ng magrecruit. Meaning to say nakadepende lang ang kikitain mo sa recruits mo. Walang products so wala kang sales commission.
Ø  NO recruits, no INCOME!

Iwasan ang ma-SCAM!
Maging mapanuri at huwag agad basta-basta maniniwala sa magagandang pananalita.

I hope nakatulong sa’yo ang post na ito. :-)

Para po sa mas malawak pang pagtalakay about NETWORK MARKETING/MLM BUSINESS, add me on FACEBOOK… https://www.facebook.com/dee.wy.98


"Defeat is not the worst of failures. Not to have tried is the true failure."

3 comments:

Unknown said...

Miron sa samin unlishop,jogle innovative marketing,kapa ministry inc,at Marami pang iba,ganyan ang sestima nila,

Anonymous said...

Fancy pH legit po ba?

Anonymous said...

Fancy pH is legit?